vis-a-vis
|
vis-a-vis
Sigaww
|
Tuesday, January 6, 2009
BAGONG TAON
Hindi talaga ako nagsusulat dahil, wala naman akong masusulat. Naka tatlong blogspot na ako. O dalawa ata. Pero binura ko na lang lahat, o yung iba limot o kinalimutan ko na ang password dahil halos lahat naman ng laman ng bawat blog ko ay tungkol sa napaaka-mabubuti kong ex. Kung ibang tao rin naman eh tatamarin magbasa ng blog tungkol sa mga ka-relasyon nila. Ehem.. ehem.. masasabi ko na proud to be single ako. Dahil, mga 10 buwan na ata akong single. Isa itong malaking accomplishment! *applause* Dinaanan na 'ko ng Twilight madness, pasko at bagong taon ngunit heto padin ako, nananatiling napaka walang kwenta ng mga sinusulat. Siguro sa mga darating na araw, alam ko na ang isusulat ko. Hindi din kasi magandang isulat ang mga nararamdaman at kung anu ano pa nang di pa ako sigurado kung ano ba talaga ang nangyayari saakin. Hanggang sa muli. =] Tuesday, November 4, 2008
Mapait
Ayoko talaga ng mga enrollment (tama ba spelling?). Napaka hirap dahil madaming pila. Tamad pa naman ako. Sa Nov. 6 na ang pasukan ngunit di pa ako enrolled. Tama yan Deng, pagpatuloy mo lang hahaha. Kapag galit ka ba sa ex ay bitter ka parin sa kanya? Ayoko na sana mabahiran ang blog ko ng kasamaan kung siya rin lang (see, isang pruwebang bitter). Malapit na ang pagkabit ng brace ko. Hindi ko alam kung anong vindication ang dala ng braces kaya't nangako ako sa sarili ko na di aapak sa bayan (andun siya nakatira sa pusod ng City ng Santa Rosa) nang di pa nakakabit ito. Siguro ay change of image ang habol ko. Na sa tingin ko ay kapag nakabit na bukod sa hirap at sakit na dala ng brace, ay mababago na talaga ako. Bagong buhay eka nga. Sana nga. Bukod sa bitterness ko sa kanya, ay ang inis ko sa mga kabanda niya na inaway ako at sinabihang emo sa gitna ng away namin ng ex ko. Dapat ay hindi na pinag uusapan ito. 7 buwan na ang lumipas pero parang kahapon lang. Sa bagong taon ay malilimutan ko na 'to. Balita ko ay may bago siyang gf. Isa nanamang naloko. Pakiramdam ko naging cheap ako nang naging kami. Pero no regrets. Ayokong magkaroon ng pagsisisi. Ito ang panaghoy ng aking puso (?). Ito ang nilalaman ng utak ko bago matulog. Gabi-gabi ko itong naiisip. Walang magagawang maayos saakin ito. Isa lang ang dapat kong gawin. Kalimutan ang lahat at wag na mamuhay sa nakaraan. Labels: puso Saturday, November 1, 2008
hurray
Mama said the pc is off limits to everyone ( I've heard her say that for months). With the financial crisis the world is in now, better be frugal. :D i miss everyone. xoxo Labels: random |